Viral ngayon ang video ng isang elementary teacher sa isang pampublikong paaralan sa Placer, Masbate matapos niyang kalmahin at protektahan ang mga mag-aaral na nabigla at natakot sa sagupaan ng mga militar at rebeldeng grupo malapit sa kanilang paaralan.
Ayon kay Ma'am Athena Suan ng Locso-an Elementary School, sa halip na mas mangunang matakot ay nagpakatatag siya at sinabihan ang mga mag-aaral na dumapa sa sahig ng silid-aralan, dahil nagkakaputukan na sa paligid.
Ayon sa panayam ng Balita kay Ma'am Suan, wala naman daw nasaktan sa mga mag-aaral, subalit ayon sa ulat, may nasaktan sa grupo ng mga sundalo.
"Wala naman pong nasaktan sa amin and safe po 'yong mga bata kasi pag-start pa lang ng pagsabog at barilan, pinapasok agad namin ang mga bata sa classroom," pagbabahagi ng guro.
Umabot na sa 1.3k shares at 474 reactions ang kaniyang viral video.
---
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!