Puring-puri ng netizens ang bagong awra ni former presidential daughter Kitty Duterte dahilan para mag-viral nga muli ang isa niyang video sa TikTok kamakailan.

Sa magkasunod na video upload ng TikTok user na si Barry, makikitang isang photoshoot ang ang tila pinaghandaan ni Kitty.

Bakas pa ang ilaw ng kamera habang walang ka-effort-effort na umaawra ang dalaga sa harap nito.

Matatandaan ang usap-usapang pagpapa-enhance umano ng batang Duterte sa kaniyang pisikal na anyo noong Enero, bagaman nananatiling walang kumpirmasyon si Kitty ukol dito.

Human-Interest

Vice Ganda, inalis kaniyang wig para sa 'EXpecially For You' contestant na may alopecia

Basahin: ‘From kitten to pussycat!’ Self-improvement ni Kitty Duterte, usap-usapan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, balik sa viral video, kapansin-pansin ang pawang mga papuri lang ng netizens kay Kitty sa taglay nitong lalong kumpiyansa at kadyosahan ngayon.

Para sa marami, ang palaban na mga mata raw ng 18-anyos ang pinaka-asset nito.

Ilang netizens pa ang tila naglista ng mga kahawig umano ni Kitty kabilang na ni Emma Watson, batang Regine Velasquez at girl version umano ni Darren Espanto.

Paghirit pa ng ilan, pwedeng-pwede na maging next Darna ang batang Duterte in the future.

Hindi naman makapaniwala ang isang TikTok user at una’y inakalang manika lang na gawa ng artificial intelligence (AI) si Kitty.

Sa pag-uulat, umani na ng higit 2 million ang pinagsamang view ang dalawang viral video ng dalaga sa TikTok.

Si Kitty ang bunsong anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.