Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang probinsya ng Abra nitong Linggo ng gabi, Marso 26, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 8:38 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 4 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Danglas, Abra, na may lalim na 43 kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa Vigan City, at Banayoyo, ILOCOS SUR; at Tineg, Lagayan, at Lacub, ABRA.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Naitala naman ang Intensity II sa Sinait, ILOCOS SUR; Batac, ILOCOS NORTE; at CITY OF BAGUIO, habang Intensity I sa Paoay, ILOCOS NORTE.

Samantala, naitala ng Phivolcs ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity IV - Bangued, ABRA; Vigan City, ILOCOS SUR

Intensity III - Narvacan, ILOCOS SUR;

Intensity II - Sinait, Candon, ILOCOS SUR;

Intensity I - Penablanca, CAGAYAN; Pasuquin, Batac, ILOCOS NORTE

Wala naman umanong inaasahang posibleng aftershocks, ngunit inaasahan ng Phivolcs na magkakaroon ng pinsala ang nasabing pagyanig.

Kanina lamang ay niyanig din ang probinsya ng Abra ng lindol na itinaas naman sa magnitude 4.6.

BASAHIN: Abra, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol