Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang probinsya ng Abra nitong Linggo ng umaga, Marso 26, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 5:35 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 2 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Pilar, Abra, na may lalim na 5 kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa Bucay, Pilar, Villariciosa, Peñarubia, San Isidro, Bangued, Bucloc, at Boliney, ABRA; at Bantay, ILOCOS SUR.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Naitala rin ang Intensity III sa Tayum, San Quintin, Tineg, at Dolores, ABRA; at City of Vigan, ILOCOS SUR.

Samantala, naiulat naman ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity IV - City of Vigan, ILOCOS SUR

Intensity III - Bangued, ABRA; Narvacan, ILOCOS SUR

Intensity II - Candon, ILOCOS SUR

Intensity I - Batac, Laoag City, and Pasuquin, ILOCOS NORTE

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks dahil sa lindol, ngunit maaari umanong magkaroon ng pinsalang maidudulot ang nasabing pagyanig.