Nagpaabot ng tulong ang social media personality na si Whamos Cruz sa mga pamilyang nabiktima ng sunog sa Brgy. Muzon sa Taytay, Rizal

Sa isang basketball court nanunuluyan ang halos 100 pamilyang residenteng naapektuhan ng sumiklab na sunog sa naturang barangay.

Mga pangunahing pangangailangan ang ipinamahagi ni Whamos sa mga residente lalo na ang mga pagkain at toiletries.

"KONTING TULONG PARA SA MGA NASUNUGAN," saad sa caption ni Whamos kalakip ang video ng pamamahagi nila ng relief goods sa mga residente.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

"Pagpasensyahan n'yo na po ang ibibigay namin pero pinaghirapan po namin 'yan at galing po sa puso namin 'yan," sey ni Whamos.

Tuwang-tuwa naman ang mga residente na mainit ang naging pagtanggap sa kaniya.

Hangad ng mga netizen na sana raw ay patuloy na magbahagi ng mga biyaya si Whamos para sa mga nangangailangan.

Kamakailan lamang, binigyan ni Whamos ng ₱38k ang kaniyang mga tiyahing natanggal sa kanilang mga trabaho.