Hindi pa man opisyal na debut ng all-Pinoy pop group na Hori7on ang single na “Dash,” agad na naramdaman ng grupo ang streaming power ng fans ngayon pa lang.

Matapos kasi na mailabas ng MLD Entertainment ang official music video ng track nitong Huwebes, Marso 22, tumabo na agad ang YouTube views nito ng higit 2.2 million sa pag-uulat ngayong Sabado.

Ang “Dream Makers” survivors na sina  Jeromy, Marcus, Kyler, Vinci, Reyster, Kim at Winston ay agad na nagpamalas ng kanilang overall visual at vocals bilang latest idols in a group.

Basahin: MV ng pre-debut single ng Hori7on, pinusuan ng fans! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Abot-abot na papuri naman ang pawang mababasa lang sa comment section ng official MV ng "Dash" sa YouTube.

“Woooaahhh!! Ang angas! Ganda ng mixing and mastering quality ng track! All the best HORI7ON! 🫶🏼✨may potential na maging international idol din. Keep on keeping on, guys!” mababasang komento ni “Tawag ng Tanghalan” alumnus na si Sam Mangubat sa MV.

“Sobrang ganda ng cinematography nito. Then napaka energetic naman ng group. Promise HORI7ON has a brighter future in global stage,” segunda ng isa pang fan.

“Grabe yung almost 2M in just 2 days na wala pang big fanbase???? at knowing na pre-debut song palang 'to, WALA KONG MASABI. MORE POWER TO U HORI7ON SOBRANG DESERVE NA DESERVE!! CAN'T WAIT TO SEE U ALL ON A BIG STAGE!”

“Napaka-angas ni Reyster at Winston sa MV na to to be honest. Silang dalawa yung parang nag transformed bigla. Vocals kudos pa din kay Vinci. Overall ang ganda ng MV at ang galing nila ♡”

“Nakaka-proud sila. Kahanay nila mga big kpop group sa chart. Keep on streaming guys. Sila na ata ang grupo magdadala sa ppop into International sensation.”

Nauna nang naibalita nitong Biyernes, Marso 24, na kahanay ng pre-debut single ng grupo ang naglalakihang K-pop powerhouse sa Top 20 Most Viewed Music Video by K-pop Artists” para sa petsang Marso 23, kung saan landing sila sa ikaanim na puwesto.

Ang Hori7on ay parehong nasa pangangalaga ng ABS-CBN at Korean company na MLD Entertainment.

Bago ang kanilang opisyal na debut, nakatakdang lumipad ang grupo sa Hallyu capital sa South Korea para sumailalim sa matinding pagsasanay na pasok sa K-pop standard.