Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng hindi lisensyadong baril, granada at illegal drugs sa Las Piñas City kamakailan.

Nakakulong na ang suspek na kinilala ng pulisya na si Jhonrick Salangsang, alyas "Madre" at taga-Barangay CAA, ayon kay City chief of Police, Col. Jaime Santos.

Sa report Las Piñas City Police Station, nagsasagawa ng Oplan Galugad o search operation ang mga tauhan nito sa Saging Street, nitong Marso 23 dakong 8:30 ng gabi nang makatanggap sila ng impormasyon kaugnay ng panggugulo ng suspek, dala ang kanyang baril.

Kaagad na dinampot ang suspek na hindi na nakapalag sa mga nagrespondeng pulis.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Isang 9mm pistol na may magazine, siyam na bala, isang granada at dalawang plastic sachet ng shabu ang narekober ng pulisya sa suspek.

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 10591 (Illegal possession of firearms), RA 9516 (Illegal possession of explosives) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang suspek.