Ipinahayag ng University of the Philippines Marine Science Institute (UP MSI) nitong Biyernes, Marso 24, na magandang oportunidad ang pagkalma ng mga baybay-dagat para isagawa ang oil spill clean up sa Oriental Mindoro, kung saan lumubog ang MT Princess Empress noong Pebrero 28.
"Weaker winds and calmer seas allow for larger oil slicks to form because of less disturbance from waves," paliwanag ng UP MSI sa inilabas nitong bulletin kagabi.
Binanggit din nitong humigit-kumulang 162.6 square kilometers ng posibleng langis, sa kaparehong lugar ng Quezon City, ang namataan bilang discrete oil slicks sa hilagang-kanluran at timog-silangan ng lumubog na tanker.
Ito ay ayon umano sa pinakabagong ulat ng US National Oceanic and Atmospheric Administration na nakabase sa satellite image na kinuha kahapon dakong 10:15 ng umaga.
"The slicks floating in the area around the sunken tanker show that oil was still leaking out as of yesterday, March 23," saad ng UP MSI.
"Calmer seas and larger slicks should be taken as an opportunity to collect the oil in slicks near the sunken tanker using booms and skimmers and ramp up cleanup efforts to prevent the oil from spreading further," pagbibigay-diin pa nito.
Wala naman umanong namataang oil spill sa timog na bahagi ng Mindoro sa kabila ng maaliwalas na kalangitan.
Tinatayang 800,000 litro ng industrial fuel oil ang karga ng nasabing MT Princess Empress na lumubog sa Naujan, Oriental Mindoro.