Nasa 17,071 pamilyang naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro ang nakinabang na sa patuloy na implementasyon ng cash-for-work program ng gobyerno.

Ito ang ipinahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Field Office sa Region 4B nitong Sabado, Marso 25.

Paliwanag ng DSWD, kabilang sa naturang bilang ng benepisyaryo ang2,414 na pamilyang mula sa Pola, 1,031 na mula sa Bulalacao, at 1,313 na mula naman sa Pinamalayan.

Nagtrabaho ng 15 araw ang mga naturang benepisyaryo, ayon sa DSWD.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Pagdidiin ng ahensya, isa ito sa mga paraan ng pamahalaan upang mabigyan ng pansamantalang pagkakakitaan ang mga mangingisdang nawalan ng hanapbuhay dahil sa oil spill na resulta ng paglubog ng MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro noong Pebrero 28.

Lumubog ang nabanggit na oil tanker matapos hampasin ng malalaking alon habang naglalayag patungong Iloilo mula sa Bataan, karga ang 800,000 litrong industrial fuel oil.