Thankful ang modelong si Hailey Bieber kay singer-actress Selena Gomez matapos siyang ipagtanggol nito laban sa umano'y "death threats" at "hateful negativity" na natatanggap niya.
Ibinahagi ni Selena nitong Biyernes, Marso 24, na nakatatanggap nga si Hailey ng pambu-bully online at nanawagang itigil na ito.
Sinabi ito ni Selena isang buwan matapos umugong ang isyu na nag-share umano si Kylie Jenner ng picture nila ni Hailey na nagpapatama kay Selena.
BASAHIN: Selena Gomez, nagsalita hinggil sa natatanggap na ‘death threats’ ni Hailey Bieber
"I want to thank Selena for speaking out, as her and I have been discussing the last few weeks how to move past this ongoing narrative between her and I," saad naman ni Hailey sa kaniyang Instagram story nitong Sabado, Marso 25.
"The last few weeks have been very hard for everyone involved and millions of people are seeing so much hate around this which is extremely harmful."
Binanggit din ng modelo kung gaano umano nagiging sanhi ng dibisyon ang social media, na tila pinatutungkulan ang fans nila ni Selena, na siyang ex din na asawa niyang si Justin Bieber.
"While social media is an incredible way to connect and build community, moments like this only create extreme division instead of bringing people together. Things can always be taken out of context or construed differently than they were intended. We all need to be more thoughtful about what we post and what we say, including myself," saad ni Hailey.
"In the end, I believe love will always be bigger than hate and negativity, and there is always an opportunity to meet each other with more empathy and compassion," dagdag nito.