Kumpirmado na ngang mamamaalam na sa ere ang higit dalawang taong programa na "Lunch Out Loud" o Tropang "LOL" ng TV5 ngayong Abril.
Ito ay ayon sa pagsegunda ni Ogie Diaz sa kaniyang latest Showbiz Update ngayong Sabado, Marso 15, matapos unang mapahapyawan ang umano’y chika lang, kamakailan.
“Confirmed na nga na magpapaalam na sa ere. Kasi nga nung March 23, noong bago magsimula ang taping ng kanilang cycle ng LOL, pinulong ng representative ng producer ‘yung buong cast ng LOL at ‘yun nga ay iniyahag na mag-e-end na. Ang last airing nila ay April 29 at sila nga ay papalitan na ng 'Face to Face' ni Karla Estrada,” sey ni Ogie.
Nauna nang napabalita rin ang pagbabalik ng “Face to Face” na pangungunahan ngayon nina Karla at ng comedian-host na si Alex Calleja.
“‘Di naman nila malalaman na mag-e-end na kung ‘di nagsalita si Karla na magkakaroon ng show at 11 am to 12 pm ang kaniyang timeslot, weekdays ‘yan. Confirmed na nga,” dagdag ng source ni Ogie.
Pagbabahagi pa ng talent manager sa chika, ikinalungkot nga ng lahat ng host ang balita, lalo na ang host na si Wacky Kiray na naging prayoridad pa ang programa dahilan ng hindi niya pagtanggap ng iba pang raket.
“Nalungkot syempre, sino ba naman ang matutuwa? Nalungkot lahat ng buong cast,” sey ni Ogie.
“Hindi niya [Kiray] tinanggap ‘yung “I Can See Your Voice.” Doon siya nagconcentrate sa LOL. Habang si Bayani Agbayani, sumegue sa “I Can See Your Voice” ‘di ba? Kaya si Kiray, nanghihinayang n asana tinanggap na lang niya ‘yung “I Can See Your Voice” kung alam niya lang noong una na magbababu na ‘yung LOL,” pagbabahagi pa ng source ng manager.
Samantala, hindi naman nakatanggap ng offer umano si Alex Gonzaga na dati ring original cast ng nasabing Kapamilya show.
“Wala akong narinig na in-offer-an si Alex. Hindi naman sa’tin binanggit ng ating source. Ang binanggit lang ng ating source ay nag-pray na lang si Alex, tinanggap ang katotohanan na mawawala na ang LOL at puro ukol kay God ang kanyang binabanggit para palakasin pa ang loob ng kaniyang mga kasama,” sey ni Ogie.
“Isa pa sa mga malungkot na malungkot si Billy Crawford. Syempre, two years and five months to be exact na umere ang LOL,” dagdag ng talent manager.
Matatandaan ang naging kontrobersyal pa noong paglipat ng host sa Tropang LOL matapos mawalan ng prangkisa ng ABS-CBN noong 2020.
Samantala, bilang resulta, inaasahan namang masosolo na ng “It’s Showtime” ang timeslot sa TV5 mula 12 pm hanggang 3 pm.