Hindi nakaligtas sa netizens ang isang job vacancy announcement ng provincial office ng Department of Trade and Industry (DTI) kung saan naghahanap ito ng dagdag na empleyado na isang degree holder.

Viral ngayon ang Facebook post ng Iloilo Today matapos batikusin ng netizens ang anila’y hindi makaturangan na sahod ngunit mabigat na requirement umano para sa posisyon.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Dalawang DTI Monitor sa ilalim ng contract of service ang hinahanap ng tanggapan na makatatanggap ng P9,900 na sahod bawat buwan. Kabilang sa mga qualification ng posisyon ang college degree ng aplikante na hangga’t maaari ay business-related pa, kabilang ang civil service eligibility nito.

Pambabatikos ng netizens, hindi anila patas ang hinihingi ng trabaho at ang makukuha mula rito pagdating sa sahod.

“Buti pa yung pulubi sa Quiapo, 1500 per day, depende pa kung my balisong baka 5mins lang hahahahaha,” hirit na komento ng isang netizen sa viral announcement.

“Binasa ko agad salary.. Parang nag apply kalang ng janitor mataas pa nga ciguro sahod piro kailangan nila my degree,😂😂😂” dagdag ng isa pa.

“The design is very kuripot and very degrading sa mga Bachelors Degree!”

“Imo nlng da 9k nyo. Skwela ko mayo, mahal2 pa tuition, ending amu ja sweldo ko. Ma gardener lmng ko sa States may 50k pa ko wrat diploma kg TOR pa to!”

“The audacity to set high-standards requirement tas sahod 9k.💩

“How to apply? ako na ma sweldo sainyo!”

“Corruption is the key in government offices.mjority are practicing it! Never set high standards in hiring if you can not compensate equally with the degree that they earned! Shame on you government offices!”

“Tinatawanan kayo dto samin ng nagttinda ng pares for 5 hours a day.”

“Such a high standard for a lame paycheck. No wonder a lot of Filipinos are jobless kasi those who can’t afford to finish college aren’t given a chance to get a job. Experience and perseverance is more important than a college diploma. Nd lahat ngcollege graduate ay masisipag magtrabaho”

“My daughter's yaya salary is almost there soon pero hindi bachelors degree ang requirement ko. She get the rest she wants, good treatment from us, fair off days per week, bonus and so on. Tapos c DTI sobrang demanding sa requirements!”

“The design is very kuripot ah. The audacity to set high standards, qualifications and requirements tapos yung sahod very incentive!🫢😂🥺

“Basi typo error lang ni Ang 9,900 basi 99,000 gid ni yah?!”

Sa pag-uulat, nasa mahigit 71,000 reactions na ang inani ng viral post, apat na araw matapos mai-post noong Marso 21.

Kung bibisitahin ang Facebook page ng DTI Iloilo, wala silang pahayag o reaksyon sa litanya ng netizens ukol sa anunsyo.