Dalawa pang kaibigan ni teen artist Andrei Sison ang kasama niyang nasawi, habang nagtamo naman ng severe injuries ang isa pa nilang kaibigan, matapos mabangga ang kanilang sinasakyan sa isang kongkretong signage sa Quezon City nitong Biyernes ng madaling araw, Marso 24.
Sa ulat ng Manila Bulletin, nakilala ng District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) Sector 5 ang dalawa pang mga nasawi na sina Paulo Bueza at Arman Velasco.
Nagtamo naman umano ng severe injuries ang kaibigan nila at isa ring aktor na si Josh Ford, na siyang nag-iisang nakaligtas sa nasabing aksidente. Nasa stable na rin umano ang kalagayan nito.
Ayon sa imbestigador ng nasabing kaso na si Cpl. Jen Mark Betito, nangyari ang aksidente bandang 2:40 ng madaling araw sa sa isang subdibisyon sa Commonwealth Avenue sa Barangay Old Balara, Quezon City.
Nang mga sandaling iyon, nasa south-bound lane ng Commonwealth Avenue umano ang Sedan car ng apat na magkakaibigan at patungo sanang Quezon Memorial Circle nang tumagilid ito sa kanang bahagi ng isang sports utility vehicle (SUV).
Tumama umano ang kotse sa poste ng kuryente at puno bago tuluyang bumangga sa konkretong signage ng New Intramuros subdivision.
Sinugod daw ang apat sa East Avenue Medical Center ngunit nadeklarang dead on arrival ang tatlo, kasama si Sison.
Nagtamo naman umano ng minor injuries ang driver ng SUV.
Matatandang kinumpirma kahapon ng Sparkle GMA Artist Center, talent agency ni Sinon, ang pagkasawi nito at nagpahayag ng pakikiramay.
BASAHIN: Teen artist Andrei Sison, pumanaw na dahil sa car accident