Naglabas ng pahayag ang singer-actress na si Selena Gomez matapos umano siyang kausapin ng modelong si Hailey Bieber dahil sa natatanggap nitong masasamang mensahe at death threats.
Sa kaniyang Instagram Story nitong Biyernes, Marso 24, ibinahagi ni Selena ang pakikisimpatya niya kay Hailey sa pambubully umanong natatanggap nito.
“Hailey Bieber reached out to me and let me know that she has been receiving death threats and such hateful negativity,” ani Selena.
“This isn’t what I stand for. No one should have to experience hate o bullying.
“I’ve always advocated for kindness and really want this all to stop,” saad ni Selena.
Si Hailey Bieber ay ang asawa ng ex ni Selena na si Justin Bieber.
Samantala, ang nasabing IG story ni Selena ay isang buwan matapos ang umano’y isyung nagpatama si Hailey at kaibigan nitong si Kylie Jenner laban kay Selena.
Noong Pebrero 21 kasi, nagpost si Selena ng clip sa kaniyang Tiktok at sinabing “I accidentally laminated my eyebrows too much.”
Matapos ang ilang oras, nag-post naman si Kylie Jenner sa kaniyang Instagram story ng kaniyang selfie na may caption na “this was an accident” na pinatutungkulan umano ang kaniyang kilay. Bukod pa umano rito ang screenshot ng picture nila ni Hailey na tila naka-FaceTime habang naka-zoom in ang kanilang mga kilay.
Ayon sa netizens, ang naturang post ng magkaibigan ay patungkol kay Selena na kinagalit ng fans nito. Ngunit pinabulaanan naman ito ng dalawang magkaibigan at sinabing hindi nga nila nakita ang Tiktok video ni Selena.
Sa kabila nito, nasungkit naman ni Selena ang Guinness World Records na “most followed female on Instagram” matapos niyang matalo ang dating record holder na si Kylie Jenner.
BASAHIN: ‘New Queen of IG’: Selena Gomez, kinilala bilang bagong ‘most followed female’ sa IG – GWR
Kamakailan ay nagkaroon din ang singer-actress ng 400-milyon followers sa Instagram, kung saan siya pa lamang ang babaeng nakatanggap ng ganoong karaming followers sa buong mundo.
BASAHIN: ‘Wishing I could hug all 400 million of you’: Selena Gomez, nagpasalamat sa 400M followers sa IG