Nagbigay ng reaksyon si dating Senador Panfilo "Ping" Lacson sa panukalang batas na inihain ni Gabriela Women's Party Rep. Arlene Brosas na naglalayong pagkalooban ang kababaihan ng dalawang araw na “paid menstrual leave” kada buwan.

“Maternity leave, paternity leave and now, menstrual leave - all with pay,” saad ni Lacson sa kaniyang Twitter post nitong Biyernes, Marso 24.

“Next time, a legislative measure will be filed mandating menopause and andropause allowances to increase the testosterone levels of workers,” saad pa niya.

Matatandaang inihain ni Brosas noong Miyerkules, Marso 22, ang House Bill No. 7758 o ang ‘Menstrual Leave Act’ upang mabigyan ng hindi bababa sa dalawang paid menstrual leave ang kababaihang empleyado sa pribado at pampublikong sektor.

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

"According to Hum Reprod Update, between 45 and 95 percent of menstruating women suffer from primary dysmenorrhea, or painful menstruation. MRS patients are also found to have lower scores in several domains of quality of life during their periods, such as general health, physical, mental, social, and occupational functioning," saad ni Brosas sa kaniyang explanatory note.

Binanggit din ni Brosas na ipinatutupad na umano ang menstrual leave sa mga bansang tulad ng Japan, South Korea, Taiwan, Indonesia, at Spain.

BASAHIN: ‘Menstrual leave’, ganap nang batas sa Spain

Dagdag ni Brosas, nilagdaan na rin ni La Union Gov. Raphaelle Veronica Ortega-David noong nakaraang taon ang isang panukalang pagkalooban ang kababaihang provincial government employees na mag-work-from-home sa dalawang araw ng kanilang menstruation. Ipinatupad na rin umano ang kaparehong patakaran sa bayan ng Tangalan sa Aklan.

“There is a need to provide women with the flexibility and support they need to manage their reproductive health without the fear of negative consequences such as losing pay, falling behind in work, or facing disciplinary action. Thus, the immediate passage of this bill is earnestly being sought,” saad ni Brosas.