Hinikayat ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlets sa kanilang lugar at tumaya na sa kanilang lotto games.

Ito’y dahil milyun-milyon na naman ang mga papremyo ng lotto games ng PCSO na naghihintay upang mapanalunan nila.

Sa inilabas na jackpot estimates ng PCSO, nabatid na aabot na sa higit P49.5 milyon ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58 habang P36 milyon naman ang papremyong ipamimigay ng MegaLotto 6/45, na kapwa bobolahin ngayong Biyernes, ganap na alas-9:00 ng gabi.

"🤩Dami nang naging milyonaryo sa Lotto. Ilang pamilya na ang guminhawa dahil sa paglalaro ng #PCSOLottoGames," anang PCSO."🤔Ikaw #Kalaro en #HubBarkadZ, para kanino ka naglalaro?🎰

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Una nang sinabi ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles na walang talo sa pagtaya sa lotto, dahil sa halagang ₱20 lang ay may pagkakataong nang maging lotto millionaire, at nakatulong pa sa mga kababayan nating nangangailangan.

Ang UltraLotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo habang ang MegaLotto 6/45 ay may draw naman tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.