Umaasa si Pang. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na ang pagtatalaga sa Antipolo Cathedral bilang international shrine ay magpapalalim sa pananampalataya ng bawat Katolikong Pilipino.

Sa iniwang mensahe ni PBBM, sinabi nito na nakikiisa siya sa pagdiriwang sa deklarasyon ng Vatican sa Antipolo Cathedral bilang kauna-unahang international shrine sa bansa.

"Nakikiisa tayo sa kapwa nating Katoliko sa pagdiriwang sa deklarasyon ng Vatican sa Antipolo Cathedral bilang kauna-unahang international shrine sa bansa at ikatlo sa buong Asya,

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

https://twitter.com/bongbongmarcos/status/1639154297605586944

Nawa'y palalimin pa ng karangalang ito ang pananampalataya ng bawat isa," pahayag ni PBBM.

Opisyal nang magiging isang international shrine ang National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral sa Marso 25.

BASAHIN: Antipolo Cathedral, magiging international shrine na sa Marso 25

Ito umano ang unang magiging international shrine sa Pilipinas, pangatlo sa Asya, at pang-11 sa buong mundo.