Handa na ang Philippine Coast Guard (PCG) para masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero sa pantalan sa paparating na Semana Santa at Summer Vacation 2023.

Ito matapos na ihayag ni PCG Commandant, Admiral Artemio Abu, na idedeklara nila ang "heightened alert" mula Abril 2 hanggang Abril 10 para masiguro na mananatiling maayos ang maritime operations at komportable ang biyahe ng mga uuwi sa kani-kanilang probinsya at mga turistang bibisita sa mga tourist destination.

Aniya, ipakakalat nila ang mga K9 unit, medical team, security personnel, harbor patroller, at vessel inspector upang matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero.

"Para maging ligtas ang pagbabakasyon ng mga turista, siniguro natin na well-trained ang mga lifeguard at iba pang first responders na naka-deploy sa mga beach, island resorts, at iba pang maritime tourism spots, lalo na sa Visayas at Mindanao," sabi ni Abu.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Magtatayo rin aniya sila ng first aid at rescue equipment facilities sa mga matataong tourist destination para agad na maka-responde sa oras na magkaroon ng hindi inaasahang insidente.