Hinikayat ng Department of Health (DOH) at ng World Wide Fund for Nature-Philippines (WWF-Philippines), ang lahat ng Pinoy na makilahok sa selebrasyon ng Earth Hour 2023 ngayong Sabado ng gabi.

Ang Earth Hour ngayong taon ay may temang “The Biggest Hour for Earth." 

Sinimulan noong 2007, layunin ng taunang aktibidad na hikayatin ang mga mamamayan na tumulong upang matugunan ang problema sa Climate Change sa pamamagitan nang isang oras na pagpapatay ng lahat ng de kuryenteng kasangkapan sa bawat tahanan.

Nabatid na magdaraos rin ng in-person Sustainability Fair ngayong Sabado, Marso 25, sa Quezon Memorial Circle, na may switch-off program at Run N’ Ride activity. 

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Tampok sa programa ang paghahatid ng key messages mula sa WWF-Philippines at mga opisyal ng pamahalaan, pagsasalita ng mga WWF ambassadors, musical performances, video presentation, at countdown sa Earth Hour na isasagawa ganap na alas- 8:30 ng gabi.

“The DOH recognizes the crucial role of the environment in promoting health and well-being for Filipinos. Hence, it is also our responsibility to care for the environment as it would then take care of future generations of Filipinos. Makiisa po tayo dito (Earth Hour) dahil ang kalusugan ng kalikasan ay kalusugan din ng bawat tao,” ayon kay DOH Officer-in-Charge Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire.

Para sa iba pang impormasyon hinggil sa Sustainability Fair at iba pang aktibidad na maaaring isagawa upang mabawasan ang iyong impact sa climate change, ay maaaring bumisita saearthhour.org.