Kinubra kaagad ng Ginebra San Miguel ang Game 1 laban sa San Miguel Beer, 121-112, sa PBA Governors' Cup semifinal round sa Ynares Center sa Antipolo, Rizal nitong Biyernes.

Ito ay sa kabila ng hindi paglaro ng kanilang point guard na si LA Tenorio dahil sa kanyang colon cancer.

Kumamada nang husto sina Christian Standhardinger dahil 33 markers nito, dinagdagan pa ng 10 rebounds at limang assists.

Naka-27 points naman si Jamie Malonzo, tampok ang limang tres, bukod pa ang anim na rebounds at apat na assists, katulong si Justin Brownlee sa kanyang 24 points.

National

OVP nagsagawa ng relief operations kahit lumipad pa-Germany si VP Sara

Nakakolekta naman ng 26 points si San Miguel import Cameron Clark habang naka-23 points naman ang kakamping si CJ Perez.

Kaugnay nito, niNatuwa naman si Ginebra head coach Tim Cone sa pagsipot ni Tenorio sa kanilang laro sa kabila ng kanyang karamdaman.

Aniya, nagsilbing inspirasyon ito ng mga kakampi nito kaya nakuha nila ang unang panalo sa nasabing serye.