Tuluyan nang naging hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) si Gregorio Catapang, kapalit ng dating pinuno ng ahensya na si Gerald Bantag.

Sa appointment letter na inilabas ng Malacañang at pirmado ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Marso 23, inatasan siyang isumite nito sa Office of the President at sa Civil Service Commission (CSC) ang kopya ng kanyang oath of office para sa pormal na pag-upo nito sa puwesto.

Dating itinalagang officer-in-charge ng BuCor si Catapang noong 2022 matapos suspendihin sa puwesto si Bantag dahil sa pagkamatay ng preso ng National Bilibid Prison (NBP) na si Cristito Villamor na nagsisilbi umanong "middleman" sa pagkamatay ng mamamahayag na si Percival "Percy Lapid" Mabasa noong Oktubre 2022.

Kamakailan, isinampa na sa hukuman ang kasong 2 counts ng murder laban kay Bantag kaugnay sa umano'y pagkakadawit nito sa pamamaslang kina Lapid at Villamor.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara