Patok na patok ngayon sa Primetime ang seryeng "FPJ's Batang Quiapo" na pinagbibidahan ni Coco Martin dahil marami ang nakaka-relate sa ilang mga eksena at pangyayari dito, lalo na sa mga taga-Quiapo.

Hindi maiiwasang may mga eksena rito na talagang napapanahon, o kung hindi man, matagal nang namamayani sa kulturang Pilipino.

Isa na rito ang itinuturing na isa raw "toxic mindset" ng mga Pilipino pagdating sa mga kasiyahan: handang magkandabaon-baon sa utang o magsanla ng mga ari-arian upang mairaos lamang ang mahahalagang pagdiriwang o okasyon gaya ng piyesta, kasal, binyag, o debut.

Ang debut party ay isang tradisyonal na okasyon sa buhay ng isang babae, kung saan magdiriwang nang bongga ang isang dalagita sa pagsapit ng kaniyang 18th birthday. May seremonya ito gaya ng "18 roses" at "18 candles" at imbitado ang malalapit na tao sa kaniyang puso---o kahit hindi malalapit, kahit mga kapitbahay at kaibigan ng kapitbahay, lalo na mga probinsya. Ang hindi maimbitahan, magtatampo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kaya naman, hindi naiwasan ng netizen na si Anne Roldan na mapa-react sa eksena sa serye kung saan isinanla ng mga karakter nina Pen Medina at Susan Africa ang kanilang property para lamang sa debut ng kanilang anak, na ginagampanan naman ni Lovi Poe.

"Di ko magets talaga 'tong mindset ng pamilya na 'to, isasangla ang bahay at lupa para sa Debut??" anang netizen sa Facebook page na "Homepaslupa Buddies 3.0."

Screengrab mula sa FB post ni Anne Roldan via Homepaslupa Buddies 3.0

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Typical Filipino Mindset, utang pabongga today, gutom lubog utang tomorrow…"

"Nakakasad pero this is true base on my parents mindset. Mas nauuna ang pabongga, nangungutang para may pang-fiesta, birthday tapos para makapunta ang relatives papadalhan ng pamasahe back and fort kasama lahat ng angkan. Pag-uwi may pagkain na dala."

"Utang now iyak later sakit ulo di makabayad."

"Ito 'yong mindset ng palaging ang iniisip ang sasabihin ng iba. Nang mga kamag anak, barkada, bisita. Pordoy pagkatapos sumabay sa uso ng payabangan."

"Funny pero this is a hard truth. Despite sa hirap nang buhay may mga magulang, talagang will go desperate to go risk things para sa anak masaklap lang 'yong consequences after anak din magsa-suffer."

"Realidad 'yan, gagawin ang lahat mabigay mapaligaya ang kanilang anak."

"Ibig sabihin malapit sa katotohanan ang takbo ng kuwento ng Batang Quiapo, kuhang-kuha na naman ni Coco yung inis natin pero nood pa rin tayo nang nood…"

Ikaw, ano ang saloobin o pananaw mo tungkol dito?