Laugh trip ang dulot ng Facebook post ni Father Jonel Peroy ng Diocese of Kidapawan City, Cotabato matapos niyang ibahagi ang pagharang sa kaniya ng kapulisan sa checkpoint dahil pinaghinalaang bangkay ang nakabalot na bagay sa loob ng kaniyang sasakyan.

Pauwi na sana si Fr. Peroy sa kaniyang bahay nang pahintuin siya ng checkpoint at pinabukas sa kaniya ang nakabalot na bagay na kasintaas nga naman kasi ng isang tao.

Inakala raw ng mga pulis na salvage victim ang kaniyang dala sa sasakyan at itatapon o ililibing ito kung saan.

Nang buksan daw ang balot, bumulaga ang rebulto ni Santo Entierro, na nabili raw niya sa Digos City para sana sa nalalapit na Holy Week.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Sa halip na magalit ay nakipagbiruan na lamang daw ang pari sa mga pulis. "Hindi ko sinalvage si Hesukristo ha!"

Nagtawanan na lamang umano ang mga pulis sabay hingi ng paumanhin sa pari.

Larawan mula sa FB ni Fr. Jonel Peroy

Pinuri naman ng pari ang mga pulis dahil ginagawa lamang daw nila ang kanilang tungkulin.

Isang netizen naman na nagngangalang "Thristine Sangco" ang nagpatunay na binili nga sa kaniya ng pari ang rebulto na nagpakamalay salvage victim.

"SOLD to Fr. Jonel Peroy of Pres. Roxas, North Cotabato and Fr. Buddy of Braulio E. Dujali, Davao del Norte," saad sa caption ng kaniyang Facebook post, kalakip ang mga litrato ng Santo Entierro.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!