Napabilang ang lambanog sa top 10 ‘best rated spirits’ sa buong mundo, ayon sa Taste Atlas, isang kilalang online food guide.

Sa Facebook post at website ng Taste Atlas, nasa pang-sampu na pwesto ang lambanog matapos umanong nitong magkakuha ng rating na 4.3.

Ayon sa nasabing online food guide, ang lambanog ay tradisyunal na ginagawa at tinatangkilik sa lalawigan ng Quezon.

“This potent Filipino drink is made from the fermented sap of the coconut palm. It is a clear, colorless spirit that is quite strong, with the usual alcohol content at around 40% ABV,” paglalarawan ng Taste Atlas sa lambanog.

“Apart from the classic version, modern varieties are often tinted, sweetened, and flavored. Lambanog is traditionally enjoyed neat, usually as a shot, but it also blends well in cocktails and mixed drinks.”

Madalas lamang umanong ginagawa ng mga magsasaka noon ang lambanog, ngunit sa kasalukuyan ay tumaas na ang kalidad nito at ginagawa na rin sa mga pabrika.