Pagkakalooban ng Commission on Elections (Comelec) ng mas mataas na honoraria ang mgaguro na magdu-duty sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) na gaganapin sa Oktubre 30, 2023.

Ito ang tiniyak ni Comelec Chairman George Garcia at sinabing mula sa dating₱4,000 hanggang₱6,000 na honoraria, ay itataas ito at gagawing₱8,000 hanggang₱10,000.

Dahil dito, magiging kapareho na ito ng halaga ng honoraria ng mgagurong nagsisilbi sa automated elections.

Aniya, pinag-aaralan na rin nila kung kayangmaibigay ng mas maaga anghonorariang mga guro, gaya ng hiling ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte.

Paglilinaw nito, depende pa rin ito kung papayagan sila ng Commission on Audit (COA).

Sakali naman aniyangmatuloy ang paghahalal ng delegado para sa constitutional convention, tatanggap pa ang mga guro ng dagdag na₱2,000 na allowance.