Naglabas na ng cease and desist order (CDO) angMaritime Industry Authority (MARINA) laban sa kumpanyang may-ari ng MT Princess Empress na lumubog sa Naujan, Oriental Mindoro kamakailan.

Sinabi ni MARINA chief Hernani Fabia sa panayam sa telebisyon nitong Huwebes, ang dalawang CDO ay para sa certificate of public convenience ng RDC Reield Marine Services, at sa tatlo pang barko nito.

Magkakabisa aniya ang naturang kautusan habang iniimbestigahan ang oil spill sa Oriental Mindoro at sa karatig-lugar nito.

Matatandaangbukod sa Oriental Mindoro, apektado na rin ng oil spill ang Antique, Palawan at Batangas.

Nitong Pebrero 28, lumubog ang naturang oil tanker matapos hampasin ng malalaking alon habang naglalayag mula Bataan patungong Iloilo karga ang mahigit sa 800,000 litrong industrial fuel oil.