Ibinahagi ni dating Vice President Leni Robredo nitong Huwebes, Marso 23, na pumunta siya sa Tokyo, Japan, upang bisitahin umano ang kaniyang mga tagasuporta at ilunsad ang kanilang partnership para sa kanilang Angat Buhay programs.

Sa kaniyang social media post, nagbahagi ng mga larawan si Robredo para sa nasabing trip sa Japan.

“Was in Tokyo for a few days for a visit to supporters and the launch of our partnerships with them for our Angat Buhay Programs,” pahayag ni Robredo sa kaniyang post.

“Thankful that 3 of my good friends accompanied me. But even more grateful to our friends and supporters who brought us around during our very short visit. Will do a separate post on them,” dagdag niya.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Ang nasabing Angat Buhay ay isa umanong non-government organization na naglalayong tulungan ang mga mahihirap na komunidad sa bansa. Opisyal itong inilunsad noong Hulyo 1, 2022, isang araw matapos magwakas ang termino ni Robredo bilang bise presidente ng Pilipinas.