Natumbok na raw ng isang Indian doctor ang dahilan ng mga karamdaman ni Queen of All Media Kris Aquino at inaasahang bubuti na ang kalagayan nito, ayon kay showbiz columnist Cristy Fermin.

Napag-usapan nina Cristy at co-hosts na sina Romel Chika at Wendell Alvarez sa "Showbiz Now Na" ang pagkonsulta ni Kris sa nabanggit na Indian doctor, na dinarayo pa ng mayayamang tao sa buong daigdig para lamang magpatingin.

Batay sa impormante ni Cristy, mukhang bumubuti na raw ang lagay ni Krissy matapos ngang matumbok ang pinagmumulan ng kaniyang sakit.

"Ito po ay dahil kay Doctor Sudhir Gupta. Ito po 'yong Indian doctor na talaga pong dinadayo ng mayayaman sa buong mundo. Napakaganda na raw po ngayon ng kondisyon ni Kris Aquino," magandang balitang hatid ni Cristy.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Marami na raw ang napagaling ni Gupta kaya naman inaasahang patungo na rin doon ang kapalaran ni Kris.

Ispluk pa ni Cristy, tatlong buwan na raw nasa New Delhi, India si Kris para lamang dayuhin si Gupta, at nagpapalakas na lamang daw si Kris.

Ibang klase raw talaga paggaling sa gamutan ang Indian doctors.

Tinitiis daw ni Kris ang mga gamot na ipinaiinom sa kaniya kahit na sobrang kay papakla o kay papait ang mga ito.