Camp Olivas, San Fernando, Pampanga -- Nasamsam ng mga awtoridad sa Central Luzon ang ₱1,940,448 halaga ng umano'y shabu at inaresto ang limang suspek sa magkahiwalay na anti-illegal drug operations sa Central Luzon noong Marso 21.

Sa Angeles City, nakumpiska ng pulisya ang 155 gramo ng umano'y shabu na may halagang ₱1,054,000. Naaresto rin ang suspek na si Alejandro Dizon, alyas 'Andy,' 57, sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Sto. Rosario.

Samantala, sa pagtutulungan ng San Miguel Police at Bulacan Provincial Police, naaresto si Christopher Rivas, alyas 'Parak,' 35, at nasamsam sa kaniya ang nasa 50 gramo ng umano'y shabu na may halaga na hindi bababa sa ₱340,000 sa isinagawang operasyon sa Brgy. Tartaro, San Miguel, Bulacan.

Nasabat din ang 33.6 gramo ng umano'y shabu sa may halagang ₱228,480 sa Brgy. Calapacuan, Subic, Zambales. Naaresto naman ang suspek na si Abdul Zaid Abdurasid.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Bukod dito, nagsagawa rin ng buy-bust operation sa Olongapo City at Norzagaray, Bulacan ang awtoridad at nasamsam ang 24.5 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang ₱166,600 at isa pang 22.26 gramo na may halagang ₱151,368.

Sa Olongapo City, naaresto ang suspek na si Ronaldo Fuerte, alyas 'Aldo,' 40, habang naaresto sa Norzagaray si Armando Aguilar, 59, at nakuhaan ng .38 caliber revolver pistol.