Dahil sa biglaang pagsikat ng "grilled balut," dumami na ang nagbebenta nito. Kaya naman kaniya-kaniyang diskarte ang mga tindero'ttindera kung paano sila magkabebenta at tatangkilikin ng mga tao.

Kagaya na lamang ng kwelangbusiness tarpaulin niLloyd Torrefiel, 43, mula sa Cebu, kung saan makikita ang isang batang babae na nakadila.

Photo courtesy of Lloyd Torrefiel/Facebook

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Inupload niya ito sa Facebook at sa hindi inaasahang pagkakataon, nag-viral na ito.

Sa eksklusibong panayam sa Balita, ibinahagi ni Torrefiel na ang cute na batang nasa tarpaulin ay ang kaniyang anak na babae noong apat na taong gulang pa lamang ito.

Aniya, nag-decide ang pamilya niya na lagyan ng picture ang tarpaulin para mapansin kaagad ang kanilang business. Good decision nga ito dahil kinagigiliwan ito ngayon ng netizens.

Bukod dito, ikinuwento rin niya na anim na taon na silang nagtitinda ng balut, penoy, siomai, at chili garlic sauce. Pero dahil nga patok ngayon ang grilled balut, sinubukan din nila ito.

Sa halagang ₱35 ay makabibili ka na ng isang grilled balut na may special chili garlic sauce na sila mismo ang may gawa.

Photo courtesy of Lloyd Torrefiel

Kung hindi ka naman kumakain ng balut pero gusto mo ng maanghang at masarap na sawsawan, maaari kang makabili ng chili garlic sauce nila sa halagang ₱55.

Photo courtesy of Lloyd Torrefiel

Matatagpuan ang food stall ni Torrefiel sa Cebu Carbon Market tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo mula 3 PM hanggang 12 ng madaling araw.

Photo courtesy of Lloyd Torrefiel/Facebook

Samantala, masaya ang pamilya ni Torrefiel nang mabasa nila ang mga komento ng netizens.

"'Yung makita namin [ang] daming comment, masaya ang pamilya ko," aniya sa Balita.

Habang isinusulat ito, umaabot na sa mahigit 35K reactions, 2.3K comments, at 25K shares ang naturang Facebook post ni Torrefiel.

Narito ang ilan sa mga kwelang reaksyon ng netizens:

"Pass. Nakadila yung sisiw."

"Grilled Balut🤪with🐣 chille garlic sauce."

"pass. Dumidilat na yung balut"

"Ang cute nang sisiw"

"ayoko to nakadila yong sisiw"

"pass haba na ng buhok ng sisiw HAHAHHAHA"

"Grilled balut 7 years old"