Camp Dangwa, Benguet -- Binunot at sinunog ng awtoridad ang mahigit ₱3 milyong halaga ng marijuana habang anim na tulak ng droga naman ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operations sa iba't ibang lugar sa Cordillera.

Nasa 6,300 piraso ng fully grown marijuana plants, at 15 kilo ng tangkay ng marijuana ang natuklasan sa Brgy. Tacadang, Kibungan at Brgy. Kayapa, Bakun, Benguet noong Marso 20. Napag-alaman na aabot sa ₱3,060,000 ang halaga ng mga ito.

Ang patuloy na paghahanap ng mga clandestine marijuana plantation sites ay isa sa marching order ni Brig. Gen. David Peredo, Jr., regional director ng Police Regional Office-Cordillera, sa press briefing noong Martes.

Ayon sa mga ulat, naaresto ang dalawang High Value Individual (HVI) na kinilala bilang sina Christopher Bajit, 44; Fidel Coyub, 27 at apat na Street Level Individual na John Kenneth Sambrano, 26; Si John Dave Suan, 24 Shannon Codiamat, 20 at Junar Caguioa, 20.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa Benguet, inaresto ang mga suspek na sina Sambrano at Suan ng magkasanib na operatiba ng La Trinidad Municipal Police Station (MPS) at Regional Intelligence Division (RID), matapos silang mahuli sa drug session sa Brgy. Betag, La Trinidad.

Nasabat ng mga operatiba mula sa mga suspek ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 0.5 gramo at may SDP na₱3,400.

Bukod dito, naaresto rin ng magkasanib na operatiba ng Tublay MPS at Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Benguet PPO sina Codiamat at Daguioa habang nasa isang drug session sa Brgy. Ambassador, Tublay, Benguet.

Nakumpiska ng mga operatiba ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 0.3 gramo na may SDP na₱2,040 mula sa mga suspek.

Sa Tabuk City, Kalinga naman, naaresto ang suspek na si Coyub ng magkasanib na operatiba ng Tabuk City Police Station at PDEU ng Kalinga PPO matapos itong magbenta ng tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang 0.3 gramo ang timbang na may SDP na₱2,040 sa isang pulis na kumikilos bilang poseur buyer.

Bukod dito, sa Baguio City inaresto ng pinagsanib na operatiba ng Baguio City Police Office (BCPO) at Regional Intelligence Division (RID) ang suspek na si Bajit sa Brgy. Loakan Liwanag, matapos itong magbenta ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 1.21 gramo na may SDP ng₱8,228 sa isang pulis na nagsisilbing poseur buyer.

Ang mga suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa kustodiya ng kani-kanilang operating units para sa dokumentasyon habang ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).