Magbebenta na ng smuggled na asukal ang mga Kadiwa center sa bansa, ayon sa pahayag ng Malacañang nitong Martes ng gabi.

Nilinaw ngMalacañang, kung ibibigay na libre ang 4,000 metriko toneladang asukal ay babagsak ang presyo nito sa bansa.

"Naiisinmangipamigay ito nang libre direkta sa mga nangangailangan,kailangang isaalang-alang ang industriya ng asukal, kasama ang mga maliliit na magsasaka.Ang pagbigay ng libre ng mga asukal ay magreresulta sa artipisyal na pagbagsak ng presyo na ikalulugi ng mga kababayan nating nasa industriya ng asukal,"ayon sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO).

Nauna nang inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang rekomendasyon ng Sugar Regulatory Authority (SRA) na i-donate saDepartment of Agriculture (DA) at ibebenta ito sa mga Kadiwa outlet ng₱70 kada kilo.

Nasa₱86 hanggang₱110 kada kilo ang presyo ng asukal sa mga pamilihan sa bansa.

"Ito ay alinsunod din sa layon ng Pangulo na maging abot-kaya ang presyo ng asukal," dagdag pa ng PCO.

Betheena Unite