Pinaiimbestigahan na ng isang senador ang umano'y mabagal na serbisyo ng Social Security System (SSS).

Sa Senate Resolution (SR) No. 544, iginiit ni Senator Rafael "Raffy" Tulfo na ang pagkaantala sa pagproseso ng mga claim ay perwisyo sa mga retiree, lalo pa sa mga umaasa sa kanilang benepisyo para pantustos sa pang-araw-araw na gastusin.

“It is the responsibility of the Senate to ensure that government agencies such as the SSS are efficient in providing services to the public, especially to its members who have contributed to the system,” ayon sa resolusyon.

Aalamin ng mga senador ang mga dahilan ng pagkaantalang benepisyo ng mga miyembro at pensyunado.

Ang SSS ay inaasahang magbibigay ng proteksyon sa mga Pilipino at tulungan silang maghanda para sa hinaharap sa pamamagitan ng mga kontribusyon at benepisyo.