Hindi nagdalawang-isip ang aktor na si Romnick Sarmenta na tanggapin ang pagganap sa isa sa pinaka-challenging na character sa Summer Metro Manila Filmfest.
Hindi rin ito ang kauna-unahang pagganap ng aktor bilang bakla.
Aniya, "I did a transexual role before in ‘Miguel/Michelle’ and I won best actor in the Asian TV Awards in 1999 for a telemovie I did with GMA-7, ‘Bakla’. So the role is not new to me."
Kasalukuyan siyang bida sa isang lead character sa pelikulang "About Us But Not About Us," isang psychological drama na opisyal na entry sa Summer Metro Manila Filmfest.
Mula sa IdeaFirst Company, ang pelikula ay magsisimulang ipalabas sa Abril 8, Black Saturday.
Gaganap bilang si "Ericson" si Romnick, isang propesor na may ka-relasyon sa estudyante nitong si "Lancelot," na gagampanan ni Elijah Canlas.
Anang aktor, maganda ang kwento at pagkakasulat ng script.
"He (Direk Jun Lana) sent me the script and I read it. There were some parts in it that I didn’t expect would move and I caught myself getting teary-eyed while reading some of the lines. I realized how good the script was kasi naapektuhan ako agad. Maganda ang takbo ng story, ‘yung flow, ‘yung kwento, ‘yung batuhan ng lines.”
Ang pelikulang About Us But Not About Us ay nagwagi sa 26th Tallin Black Nights Film Festival sa Estonia.