Sa uncut version ng panayam ni King of Talk Boy Abunda kay dating Kapamilya actress Liza Soberano, humingi ito ng paumanhin at nagpasalamat sa dating home network na ABS-CBN dahil sa mga naitulong nito upang sumikat siya nang husto at kilalaning isa sa mga A-lister ng network sa nagdaang taon.
Nag-sorry si Liza sa mga nasaktang nakatrabaho matapos lumitaw ang kaniyang "This is Me" vlog kung saan sinabi niyang pakiramdam niya ay "nakahon" siya sa genre na madalas niyang ginagawa noon sa kanila, magmula sa teleserye at pelikula.
Itinuturing ni Liza ang Kapamilya Network bilang "second home."
"You know ABS-CBN was always my second home. I (have) devoted so many years to them. I’m sorry again also to them if there were people that I’ve worked closely with that were offended by some of the things that I said in my vlog, that wasn’t the intention but then also I’m thankful to them," ani Liza.
"And they know this, I’m thankful for them for taking a risk on me when I was a nobody, for investing on me, developing me, creating Liza Soberano. And thank you also for being so understanding when I decided to not renew with them," dagdag pa niya.
Nagpasalamat din siya sa kaniyang dating talent manager na si Ogie Diaz at reel at real partner na si Enrique Gil.
Mapapanood ang kabuuan ng panayam sa "The Interviewer" na sariling YouTube channel ni Boy Abunda.