Tiniyak ni Manila Mayor Honey Lacuna na mas pinalakas, mas pinalaki at mas pinalawak pa ang ‘Kalinga sa Maynila.'”

Ito ang pahayag ni Lacuna, kaugnay ng dapat na asahan ng mga residente ng Maynila, sa pagpapatuloy ng pamahalaang lungsod ng kanilang regular meet and forum sa mga residente nitong Miyerkules kung saan may idinagdag na ‘service fair’, free medical consultation; job fair, at iba pa.

Ang nasabing forum na sinimulan ni Lacuna upang dalhin ng direkta sa komunidad at bigyan ng pagkakataon ang mga residente na maipahayag ang kanilang saloobin, suhestyon at karaingan sa mismong alkalde ng Maynila.

Sa pamamagitan nito ay naidi-direkta ng alkalde ang mga karaingan, suhestyon at saloobin ng mga residente sa kung anong departamento, tanggapan o kawanihan nauukol ang mga ito.

Metro

400 cancer at dialysis patients, natulungan sa People's day sa Maynila

Sa nasabing fora, dinadala ng alkalde ang mga pinuno o hepe ng iba't-ibang departamento upang sila mismo ang sumagot sa mga katanungan, hinaing at reklamo.

“Ito ang aming paraan upang ang ating pamahalaan ay maibaba natin sa ating komunidad nang sa gayon ay maramdaman nila ang ating paglilignkod nang di na nila kinakailangang tumungo pa sa City Hall,” ayon kay Lacuna.

“Kadalasan, idudulog nila ang concerns sa City Hall pero me mga pagkakataon na di natutumbok kung sino ang lalapitan kaya tayo na ang nababa ngayon para masagot nang diretso o matugunanang mga pangangailangan ng ating mga kababayan,” anang alkalde.

Ayon pa kay Lacuna, ang regular na ‘Kalinga sa Maynila’ ay hindi na ordinaryong ‘ugnayan’ kung saan ang mga Manilenyo ay karaniwang nagtatanong, nagbibigay ng suhestyon at nagrereklamo.

Ito ngayon aniya ay may dagdag na serbisyo para sa mga residente ng barangay at karatig na mga barangay.

Ang forum ngayong linggo na ginawa sa Barangay 177 sa Tondo (District 2), ay nagsimula ng alas-8:00 ng umaga habang ang service fair naman ay nagsimula ng alas-9:00 ng umaga.

Sa ginawa naman medical consultation, nagbigay din ng libreng gamot sa ilang kaso habang si Lacuna na isa ring doktor, ay nakiiisa sa pagbibigay libreng serbisyong pangkalusugan.

“Personal na titingin si Dra. Honey sa mga patients na pupunta sa medical consultation. Two in one, doktor na, nanay pa. Abangan n’yo po ako,” pagtiyak pa ng alkalde.

Samantala, sinabi ni Lacuna na ang job fair na kasama ng forum ay bukas 'di lamang sa barangay kung saan ginagawa ang forum kundi sa lahat ng katabing barangay.

Pinapayuhan niya ang mga aplikante na magsuot ng casual attire, magdala ng 10 kopya ng resume at sariling ballpen.