"Libreng unli taho, atbp. tuwing Biyernes!"

Kapag Biyernes na, excited na ang advisory class ng fashionistang gurong si Ma'am Mary Ann Garcia Ablihan dahil tiyak na may libreng pakain ang kanilang class adviser, gaya ng taho!

Ayon sa Facebook post ni Ma'am Mary Ann mula sa Bagong Silang High School sa Caloocan City, tuwing Biyernes na siyang huling araw ng pasok sa paaralan, talagang inaabangan ng kaniyang mga anak ang libreng pa-snacks niya sa homeroom.

"Every Friday, ito talaga yung nilu-look forward naman ang Homeroom Class slash kainan đŸ€— #ThankGodItsFriday," aniya.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ipinaliwanag ng guro sa kaniyang post kung bakit may food trip sila tuwing Biyernes, bago maghiwa-hiwalay sa uwian.

"Bakit nga ba kami nagkakaroon ng food trip every Friday, pag homeroom?"

"Sa limang araw ng pagpasok ng mga students, halos araw-araw 3 oras tulog, minsan nalilimot na kumain, and this time, is the only time na kahit papaano marefresh sila. Kaya we do this. Para naman may pahinga sila at kain din."

"And lastly, Saturday and Sunday, may raket kasi ako hahahahaha it is my way to give back to people. Grabe yung blessing ng Lord sa akin eh. Sobra."

Ang pinambibili raw niya sa food trip ng klase ay katas mula sa kaniyang lecture/review sa isang sikat na review center, ayon sa panayam ng Balita kay Ma'am Mary Ann.

"Sobrang puyat sa workloads sila kaya yung homeroom na supposedly na kuwentuhan kung anong nangyayari sa kanila ginagawa ko kainan kami," anang guro, na nauna nang naging viral dahil sa kaniyang "OOTD" uniform.

"May mga students din kasi ako na di nakakapasok palagi masakit tiyan gawa ng nalilimutan na kumain."

Bukod sa taho, iba-iba rin ang mga meryendang binibili at inihahanda ni Ma'am Mary Ann gaya ng pandesal, champorado, lugaw, turon, at iba pa.

Pinasalamatan ni Ma'am Mary Ann ang kaniyang mga lider sa paaralan gaya nina Ma'am Lyn Maria Tarrayo, English Department Head ng kanilang paaralan, at Dr. Marissa B. Feliciano (Principal IV), punungguro, dahil sa pagsuporta nila sa kaniyang inisyatiba.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/11/10/kabogerang-guro-na-may-pangmalakasang-ootd-matapos-mag-compute-ng-grades-kinaaliwan/">https://balita.net.ph/2022/11/10/kabogerang-guro-na-may-pangmalakasang-ootd-matapos-mag-compute-ng-grades-kinaaliwan/

Kudos sa iyo, Ma'am Mary Ann! Sana'y dumami pa ang mga gurong katulad ninyo.Tunay at pinatutunayan ninyong ang mga guro ay "pangalawang magulang" ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan!

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!