Sa halip na sa Hulyo, ipinagpaliban pa ng Commission on Elections (Comelec) ang petsa ng paghahain ng certificates of candidacy (COC) para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Agosto.
Isinagawa ni Comelec Chairman George Garcia ang anunsiyo hinggil dito sa isang online forum nitong Miyerkules.
Matatandaang ang orihinal na petsa ng COC filing ay Hulyo 3 hanggang 7, 2023 sana.
Gayunman, nagpasya ang poll body na ipinagpaliban ang pagsusumite ng kandidatura sa Agosto 28 hanggang Setyembre 2, 2023.
“We reset the filing of COCs for Barangay and Sangguniang Kabataan elections from July 3 to 7 to August 28 to September 2,” ayon naman kay Garcia.
Nauna rito, nanawagan si Senator Francis Tolentino sa Comelec na ipagpaliban ang COC filing dahil premature umano na ipagpatuloy ito sa Hulyo.
Ang 2023 BSKE ay nakatakdang idaos sa Oktubre 20, 2023.