Nasa 765 mga alagang hayop sa lungsod ng Maynila ang naturukan na ng anti-rabies vaccine sa "Oplan Alis Rabies" na inilunsad ng Office of the Vice Mayor Yul Servo Nieto ngayong buwan ng Marso.

Sa isang pahayag nitong Miyerkules mula sa tanggapan ng bise alkalde, nabatid na sinimulan ang programa noong Marso 8 sa Sampaloc, Maynila, kung saan mayroong 250 alagang hayop ang nabakunahan.

Noong Marso 15, 2023 naman, 215 alagang hayop ang nabakunahan sa Barangay 454, Sampaloc, Maynila.

Nitong Miyekules naman, Marso 22, ipinagpatuloy ang pagbabakuna sa mga alagang hayop sa Barangay 522 kung saan may 300 alagang hayop ang naturukan ng anti-rabies vaccine.

Metro

Tatay na umano'y nambugbog, sugatan matapos gantihan at saksakin ng anak

Nakatakda pa anilang ipagpatuloy ang pagbabakuna sa mga alagang hayop sa Marso 29 ngunit hindi pa tinukoy agad kung saang barangay ito isasagawa.

Nabatid na pamumunuan ito ni Dra. Dianne Nieto, ang officer-in-charge ng ikaapat na distrito ng lungsod at ng VIB-Manila, na buong pusong sumusuporta sa kampanya na tuluyan nang mapuksa ang rabies sa mga alagang aso at pusa sa Maynila.

Maaari umanong magpabakuna sa nasabing aktibidad ang lahat ng lahi ng hayop, kabilang ang Askal, Shitzu, Doberman, German Shepherd, at Biegel para sa mga aso at Siamese naman para sa mga pusa.

Dagdag pa ng tanggapan ng bise alkalde, ang mga residenteng may mga katanungan hinggil sa aktibidad ay dapat makipag-ugnayan kay Joan Basemayor, ang assistant district manager ng District 4, at Mr. RJ Fuentes sa 1721 Quiricada St. cor. Sulu St., Sta. Cruz, Maynila.