Matatawag na nga si Abel Tesfaye, mas kilalang The Weeknd, bilang most popular musician sa buong mundo matapos itong matapos siyang maging record-breaker sa ‘most monthly listeners on Spotify’ at ‘first artist to reach 100 million monthly listeners on Spotify’, ayon sa Guinness World Records (GWR).

“The Weeknd, is statistically the most popular musician on the planet, and no one else even comes close,” anang GWR.

Ayon sa GWR nitong Marso 20, mayroong solid na 111.4-milyong listeners kada buwan ang 33-anyos na Canadian singer. Halos 30-milyon umano ang itinaas nito sa monthly listeners ni Miley Cyrus (82.4 million) na siyang pumangalawa sa ranking.

“He is also comfortably ahead of Shakira (81.6 million), Ariana Grande (80.6 million), Taylor Swift (80.2 million), Rihanna (78.5 million), and his closest male challenger, Ed Sheeran (77.5 million),” saad ng GWR.

Internasyonal

Bangkay ng Pinay OFW, natagpuang nabubulok na sa bakuran ng Kuwaiti national

Bukod sa nasabing mga GWR title ni The Weeknd, nauna na rin umano siya naparangalan ng dalawan parang titulo: ang ‘most streamed album on Spotify’ noong 2015, at ang ‘most consecutive weeks in the Top 10 of Billboard's Hot 100 by a solo male artist’.