Ipinasa ng Kamara nitong Lunes sa pangalawang pagbasa ang House Bill (HB) 7393, na magbibigay ng proteksyon sa lahat ng tao laban sa iba't ibang cybercrime schemes.
Ang panukalang “Anti-Financial Account Scamming Act” ay magbabawal at magpaparusa sa pag-akto sa sinumang indibidwal bilang isang "money mule, performing social engineering schemes, and committing economic sabotage, among other financial crimes."Itinatakda rin na tiyakin ng mga bangko at iba pang financial institutions na ang access sa mga accounts ay protektado sa pamamagitan ng multi-factor authentication (MFA), security redundancies, at iba pang account-holder authentication at verification processes.
Samantala, pinagtibay rin sa pangalawang pagbasa ang HB 7446, "seeking to promote transparent governance and institute anti-corruption mechanisms in the operation of banks and other financial institutions."