Hinikayat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlets sa kanilang lugar at tumaya na sa paborito nilang lotto games.

Ayon sa PCSO, milyun-milyong jackpot prizes na naman ang maaari nilang mapanalunan sa tatlong lotto draws, na isasagawa dakong alas-9:00 ng gabi ngayong Martes, Marso 21, 2023.

Batay sa inilabas na jackpot estimates ng PCSO, nabatid na aabot na sa higit₱49.5 milyon ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58.

Umakyat naman sa P33 milyon ang papremyong ipamimigay ng SuperLotto 6/49 habang ₱22 milyon naman ang jackpot prize ng Lotto 6/42.

National

Magnitude 4.2 na lindol, yumanig sa Batanes

“Kung ikaw lang baka di ka pansinin ng balak mong jowain! Eh kung samahan mo ng lotto ticket baka di lang pansin ang yong abutin, lalo’t ikaw sa jackpot ay palarin, baka tuluyan ka na niyang mahalin!” ayon pa sa PCSO.

Una nang sinabi ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles na walang talo sa pagtaya sa lotto, dahil sa halagang ₱20 lang ay may pagkakataong nang maging lotto millionaire, at nakatulong pa sa mga kababayan nating nangangailangan.

Ang UltraLotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo habang ang SuperLotto 6/49 ay may draw naman tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

Ang Lotto 6/42 naman ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.