Tinatayang aabot sa mahigit ₱400 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang warehouse sa Pasay City.

Nabatid na ang nasabing iligal na droga ay galing umano sa Guinea, Africa at nadiskubre sa Pair Cargo Warehouse noong Lunes ng madaling araw, Marso 21. 

Sa pagtaya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), may timbang na 58.93 kilo ang nasamsam na umano'y shabu at may halagang ₱400,724,000.

Masusing iniimbestigahan ng mga otoridad ang consignee na kontrabando at inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa akusado. 

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho