Para sa pagdiriwang ni Sarah Geronimo ng kaniyang ika-20 anibersaryo sa showbiz, isang concert treat ang handog ng Popstar Royalty sa fans ngayong Mayo.

Una na ngang inanunsyo kamakailan lang ang “SG20: The 20th Anniversary Concert” ni Sarah sa Smart Araneta Coliseum sa darating na Mayo 12.

Ang ticket prices ng concert ay naglalaro mula P600 hanggang P15,000, kung saan ang super VIP ticketholders ay makakadaupang-palad si Sarah para sa isang meet and greet session. Sulit, ikanga ng fans!

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Matapos ang ilang araw lang na ticket selling mula nitong Biyernes, Marso 17, agad sold out ang mga pangunahing seats kabilang na ang SVIP, VIP, Lower Box, at Upper Box. Sa pag-uulat, tanging General Admission tickets na lang ang available na seat.

Umapaw naman agad nag pagbati ng Popsters para sa bagong milestone na naman sa career ni Pop idol.

“Congratulations in advance, Sarah G! Always sold out concerts! That’s why she is called the Popstar Royalty of the Philippines,🇵🇭” komento ng isang fan.

“Porbida wala pa yan promotion sa TV,” segunda ng isa pang Popster.

“Nag iisa ka lang po talaga queenSarah Geronimoilang araw palang sold out na. Congrats Queen! 👏👏👏👏

“Mukhang siya pa din ang makaka break ng previous record niya as highest grossing concert in the PH!”

“Yan yung totoong most powerful artist in the philippines malayo palang paubos na!”

“Grabe ka Sarah, walang kupas! Ang yayyaman ng Popsters!”

Sa ngayon, kapansin-pansin din ang paghirit na ng fans ng Day 2 bagaman wala pang tugon ang pamunuan ng show ukol dito.

Samantala, si Sarah mismo at ang kilalang concert director na si Paolo Valenciano magsisilbing director ng SG20.