Umakyat pa sa 191 ang bilang ng mga taong nagkasakit dahil sa oil spill sa Oriental Mindoro.

Sa isang pulong balitaan nitong Martes, kinumpirma ni Department of Health (DOH) officer-in-charge (OIC) Maria Rosario Vergeire na hanggang nitong Marso 20 ay nadagdagan pa ng 14 na bagong kaso ang kanilang talaan.

Sa naturang bilang aniya, 101 kaso na ang gumaling habang ang iba pa ay patuloy pa ring minumonitor.

Ayon kay Vergeire, wala namang naiulat na malubhang sakit ang mga residente, maliban sa isa na naospital dahil sa lumalang hika ngunit nakalabas rin kaagad.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Kabilang naman aniya sa mga idinadaing ng mga residente ay respiratory at dermal irritation, cramps at pagkahilo dahil sa amoy ng tumagas na langis.

"Wala naman po tayong nagkaroon ng malubhang sakit at naospital, except for one," anang health official.

Patuloy namang pinag-iingat ng DOH ang mga residente upang makaiwas sa masamang epektong dulot sa kalusugan ng oil spill.