Kung ang ibang mga artista ay walang keber sa mga pukol ng bashers sa kani-kanilang social media accounts, ibahin ang Kapuso actress at former beauty queen na si Alma Concepcion dahil hindi niya pinalagpas ang isang netizen nang magreply ito sa kaniyang Facebook story.

Pero infairness kay Alma minsan lang daw talaga siya pumapatol sa kagaya nito.

Ibinahagi ito ni Alma sa kanyang Facebook. Aniya, “Mga 3x a year lang ako pumatol sa mga nega. Here is a sample. Buti may time ako today at nasa mood akotinagalog ko talaga para sure na sure na sure na maintindihan hehehe."

”For entertainment purposes soooo worthy to share hahahahahaha.”

National

Magnitude 4.2 na lindol, yumanig sa Batanes

Ang siste, nagreply ang netizen ng “bilasa ka na” na sinundan pa ng “ano meron dyan?”

Kaya naman sinagot ito ni Alma na talaga namang somopla sa netizen. Sabi niya, “So? Mas gusto ko maging matanda kesa bata na di marunong magrespeto sa kapwa. Parang ang pait ng mga sinapit sa buhay ng mga nagnenegative comments."

“Cguro mas ok na buhos mo yung energy mo para gumanda buhay mo kasi mukhang di kaaya aya ang sitwasyon mo. Nakakaawa ka. Kaawaan ka nawa ng Poong Maykapal," dagdag pa niya.

Dahil diyan to the rescue sa mga comments ang mga friends ni Alma.

“Omg they have nothing else to do, why can’t they just be happy for other people! So sad people are so judgemental! You are beautiful ate! And let no one tell you any different otherwise!”

“No balls si kuya. The opinions of hypocritical cowards are not worth your energy. Sorry nabadtrip lang but kudos to you for handling it with grace.”

“You are so beautiful inside and out sis! Nakakatawa yung mga ganyan pero totoo nakakaawa din sila sa dami ng oras nila. An idle mind is the devil’s playground.”

“Very Nice sis! Do not tolerate bullies, at the same once is enough then Go on!”

“BAYAD yan para e BASH ka...wLa kakainin kung hindi ka niya BASTUSIN ganyan ang mga TAOng sa pataLim kumakapit kesa KAY LORD Lumapit...sa kabiLang banda..ibig sabihin..meron nagpapaSWELDO sa kanya pra e bash ka....ang masasabi ko Lng..pag INGGIT pikit...pag MALUNGKOT ang Life...kneeL down & PRAY.SociaL media na nga Lng nagtaTAGO pa sa Likod ng isang FAKE ACCOUNT.”

Sinagot naman ni Alma ang nagtatanggol na netizen. Ika niya, “Awwwww! Aging is a privilege! I don’t understand why small minds think it’s a disadvantage? I don’t even wanna go back to my younger years.”