Nakakakalma kung ilarawan ng subscribers ni Nadine Lustre ang walang ka-echos-echos na vlog nito sa YouTube tampok ang kaniyang naging ganap noong nakaraang weekend.
Sa kabila ng mga isyu kasunod ng tila paglantad na nina James Reid at Issa Pressman bilang bagong celebrity couple, muling nadawit nga si Nadine.
Matatandaang ikinagalit nga ng netizens at fans ang umano’y pa-reveal na ng dalawa kamakailan matapos umano’y maging dahilan daw ng hiwalayan ni Nadine at James noong 2019-2020.
Sa gitna ng ingay, tila unbothered naman ang aktres at imbis na makigatong pa sa kaliwa't kanang sey ng madla, isang makatotohanang vlog ang sa halip na handog niya sa fans nitong Lunes, Marso 20.
Raw, aesthetic, at true to life ang mga eksena sa kaniyang bagong content tampok ang ilang naging ganap ng aktres kasama ang mga kaibigan at boyfriend na si Christopher Bariou.
Walang background sound, at karamiha’y close-up shot na mismong si Nadine ang may kuha ang mapapanuod sa higit labindalawang minutong vlog.
Kabilang sa mga ipinakita ng aktres ang pagbisita niya sa isang mood-healing sanctuary na “Van Gogh is Bipolar” sa Quezon City.
Ilang tagpo rin kasama ang kaibigan at social media superstar na si Bretman Rock ang makikita sa raw vlog.
Naging headline kamakailan ang pagbisita ni Bretman sa bansa para sa promotion ng kaniyang memoir na “You’re That Bitch.” Nagawa namang makapag-catch up ng Pinoy online sensation sa kaibigang si Nadine nang bisitahin nila ang “Pinto Art Museum” sa Antipolo.
Samantala, sa pag-uulat, nasa mahigit 19,000 views na ang naturang vlog higit isang oras lang matapos ma-upload sa YouTube channel ng aktres.
Narito ang ilang komento ng subscribers:
“Love this quiet, aesthetic type of vlogs. It's so relaxing ”
“I love that it’s so raw. 🥹🥹”
“Accckkkkkk so gorgeous mameeee!!! ”
“Minimal to even no make up but sooo pretty!!! Ang GANDA mo po! Sana everyweek na may upload. Hehehe! ”
“there was no sound effects or what but bru... felt like i'm at home, watching the fam do their thing ahahaha this is cuteee!”
“now that is therapy!”
“Grabe! Visually pleasing ”
“No intro or voice over needed! very simple”
“how can be this aesthetic uuh”
“Our president being aesthetically herself for 12 mins. I'm livinggg ”
“Napaka peaceful at calmn ng buhay mo ngayon nadz, salamat sa pag share ng ganap mo sa amin. Mahal ka namin ”
“Nadine’s vlogs are really refreshing, it’s not something the vloggers here in PH usually do. That in itself is very on brand of Nadine, never following the trend & always making her own thing. Love you Nadz! Here since ‘14.️”
“I love how raw this video is. ”
Basahin: New era: Nadine Lustre, papasukin na rin ang YouTube – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Hirit na rin nila, sana’y mas mahaba at mas madalas nang mag-upload ang aktres sa kaniyang channel.
Nitong Pebrero nang magbukas na rin ng kaniyang online community si Nadine sa YouTube.