Sa pag-arangkada ng Eras Tour ni global pop star Taylor Swift sa Glendale, Arizona, nitong Marso 17-18, kaniya-kaniyang hiling na ang ilang celebrities na dalhin ang much-anticipated concert sa Pilipinas.

Jam-packed sa nasa 70,000 attendees, certified Swifties at karamihan ay kababaihan sa State Farm Stadium matapos ang two-night opening shows ni Taylor sa Swift City.

View this post on Instagram

A post shared by Taylor Swift (@taylorswift)

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Tinatayang nasa 44 songs ang pinerform ng global star sa mahigit 3-hour non-stop show bilang selebrasyon na rin ng kanyang 17 taon nang pamamayagpag sa music industry.

Tampok sa concert ang mga kanta kagaya ng “Tim McGraw” mula sa kaniyang debut noong 2006 hanggang sa latest tracks ng kaniyang record-breaking 2022 Midnight album kabilang ang “Anti-Hero,” “Bejeweled,” “Vigilante Shit,” bukod sa iba pa.

Kaya naman hindi mapigil sa excitement ang Pinoy fans sa maaaring matunghayan sa show ng pop star.

Kabilang sina It’s Showtime hosts Anne Curtis at Kim Chiu sa nanawagan nang dalhin ang tour sa Pilipinas.

Sa kaniyang Instagram story kamakailan, nakiusap na ang Kapamilya celebrity mom at actress-host.

“Please, someone bring the Eras Tour to Manila,” sey ni Anne sa pagbabahagi rin ng video ni Taylor sa kaniyang IG story.

Sa tweet naman ng kapwa host na si Kim Chiu, nalula naman ito sa 44 songs na setlist ni Taylor sa opening night ng concert, sabay hirit ng petsa para sa Manila leg ng concert.

Tila nagkasundo naman ang naging reaksyon ng maraming fans sa pakiusap ng Kapamilya stars. Anila, bigyan pa sila ng sapat na panahon para makapag-ipon.

Matatandaang nasa P20,000-P49,000 ang ticket price range ng show ni Taylor sa Amerika.

Narito ang reaksyon ng ilang netizens sa pakiusap nina Anne at Kim:

“Kumalma, ‘wag kang desisyon!”

“Porket, may pera ti?”

“Kalma, sis!”

“Iipon muna kami Anne! Wag kang paladesisyon!”

“Next year na kasi!”

“Dapat sagot niya lahat ng Swifties!”

“Problema ng mayayaman!”

“Teka, wala pang bumibili ng kidney ko.”

“Mi, wala pang ipon!”

“Ikalma mo mawawalan ng kidney mga tropa ko lalakas pa naman uminom!”

Sa pag-uulat, wala pang kumpirmasyon kung mapapasama ang Pinas sa inaabangang tour ni Taylor.

Magtatapos lang ang US leg ng Eras Tour sa Agosto ngayong taon. Ang Eras Tour ay comeback tour concert ni Taylor makalipas ang 5 taon.