Pasado na sa second reading ng Kamara ang panukalang amyendahan ang Bank Secrecy Law o ang Republic Act 1405.

Sa ginanap sesyon sa plenaryo nitong Lunes, inaksyunan ng Kamara sa pamamagitan ng voice voting ang House Bill 7446 na nagsusulong na amyendahan ang nasabing batas.

Layunin ng panukala na matanggal ang balakid sa imbestigasyon at pag-usig sa mga tiwalingstockholder, may-ari, direktor, trustee, opisyal o empleyado na nasa ilalim ng pangangasiwa at regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

"Existing secrecy of bank deposit laws of the Philippines are more constraining for prudential supervision than similar laws in other jurisdictions. A review of 49 countries assessed against the Basel Core Principles (BCP) since 2012 shows that only one other country--Lebanon--has similar limitations for prudential supervision as the Philippines. This limitation impedes transparent governance and anti-corruption mechanisms," sabi ng may-akda ng panukala na si Manila Rep. Irwin Tieng.

National

Bagyong Pepito, nakalabas na ng PAR!

Nakapaloob din sa mungkahing batas ang epektibong paglaban sa tax evasion, money laundering at iba pang krimeng may kaugnayan sa pananalapi.

Philippine News Agency