Tapatang sinagot ng Kapamilya host na si Robi Domingo kung pinagsisihan nga ba nito na pinasok niya ang mundo ng entertainment kaysa ituloy ang pangarap nitong maging doktor.

Sa bagong episdo ng "Star Magic Celebrity Conversations," inamin ni Robi na noon ay nagsisisi siyang hindi niya ipinagpatuloy ang minsan na niyang pinangarap.

Sa kabila nito, napagtanto ng TV host na pinagsisisihan niya na "pinagsisihan" niya ito.

"I regretted it kasi it was a dream na gusto kong ma-fulfill for a score of my life. Imaginin mo I was grinding it all grade school, high school, even college while I was doing this thing, to end up wearing a pink coat right in front of you. I regret it? Yes. But I regret regretting it," anang TV host sa Star Magic head na si Director Laurenti Dyogi.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

"Because kahit anong mangyari simula't sapul, I have that MD from the beginning. Si Marion Domingo, that's my name, I am that MD. Ang batchmates ko they get to wear a white coat all the time seal of their profession pero ako I get to wear a black one, a blue one, it doesn't matter, a pink one tonight."

Nang dahil sa showbiz career, ani Robi ay "nag-transcend" ang kaniyang purpose.

Matatandaan noong 2008, sumali siya sa reality TV show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother (PBB) kung saan ay natapos niya ang laban nang first runner-up.

Pagkatapos ng kaniyang “PBB” career, sumabak naman si Robi sa hosting ng ilang Kapamilya shows.

Kasalukuyan naman siyang nagho-host ng pinakabagong season ng "The Voice Kids" kasama si Bianca Gonzalez.